MAGIGING CPA PA KAYA AKO? Sayang talaga yung chance. Paker kasi e.
Relationship lasts because two people choose to fight and work for it.
If only people would be responsible and liable sa lahat ng sinasabi nila edi sana wala ng sawi ngayon.
Please naman, pwedeng mahiya diba? Wag mo namang gawing coloring book mukha mo 😂😂
Oh talaga? Kelan ka ba tumangkad? Diba sa panaginip ka lang naman matangkad.
I will try to be active like before. Hope it will be successful! :)

At dahil 20 ngayon, may ipopost ako kahit hindi na ako active sa tumblr. Alam kong hindi niya rin ito mababasa, pero dahil mahal na mahal ko siya ipopost ko pa rin.
“May milyong-milyong bagay na dumadating sa buhay natin, ikaw? Isa ka dun sa mga bagay na dumating sa buhay ko na kahit kailan hindi ko kayang tanggihan..”
Sa araw-araw na nilikha ng Diyos thankful ako sa kanya, dahil sa wakas may dumating sa buhay ko na taong iingatan ako at papahalagahan. Kahit na minsan hindi na niya ako maintindihan. Isa sa mga taong ayaw akong nakikitang lumuluha dahil nga sabi niya “doble yung sakit na nararamdaman niya pag nasasaktan ako.." Oo, maraming lalaki sa mundo pero hindi lahat yun aalagaan ka at iingatan maaring magiging masaya ka pero inaabuso ka naman sa sobrang tanga mo. Thankful ako sa mga pagkakataong tinotopak ako, pilit niyang ginagawang okay yung mood ko. Tanging "Mahal kita..” ang maririnig ko sa mga pagkakataong iyon.
Yung hihintayin akong makatulog kasi gusto niyang okay ang lahat-lahat lalo na ako, bago matapos ang araw. Pilit akong papangitiin sa kabila ng pagkabadtrip ko, paulit-ulit na sasabihing “Maganda ako.." kahit na puro insecurities ako sa buhay. Tinuruan ako kung pano maging kuntento sa kung anong meron, tinuruan ako kung paano magtiwala ulit sa kabila ng lahat na sakit na naramdaman ko noon. Yung sasabihin niya saking "Ikaw lang gusto kong kasamang tumanda, wala ng iba.. Kung itadhana man ako sa iba hindi na lang ako mag-aasawa..” “Hihintayin kitang makagraduate saka kita papakasalan.." Ang swerte ko sa kanya, sobrang swerte. Kahit na sabihing niyong corny to, pero siya lang talaga yung lalaking nagparamdam sakin na importante din ako.
Mahal na mahal ko itong taong to. Gusto ko lagi siyang nakikitang masaya.
I love you, Samuel Altarejos. :* Til death thou us part. :”> Happy 4th Monthsarry! Malalagpasan din natin silang lahat. I love you bigtime! :* Mahal kita. <3
